Isang mahinang katok ang narinig ko ngayon ngunit hindi na ako nag-aksaya ng panahon para suriin kung sino iyon. Naniniwala ako na kung talagang may importante mang sadya sa akin ang nasa likod ng pintoan na iyan ay tatawagin nila ang pangalan ko at hindi titiigil sa kakakatok ng pinto hangga't hindi ako lumalabas. Minsan kasi ay may bigla na lang kumakataok sa pintuan pero wala namang tao sa tuwing binubuksan ko na ang pinto. Ilang beses na akong na-prank at malapit ko ng isipin na baka kaluluwa iyon ni Tiyang Lala at gusto akong biruin. Kaya dumiretso ako nang lakad patungo sa aking kwarto. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa kwarto ko ay may bigla na lang tumawag sa akin at nagtanong. "Dahlia, kumain ka na ba?" Pabalik na sana akong muli sa kwarto ko ng may bigla na lan

