Nakakapagod pero heto ako ngayon nagsusumikap para magpatuloy sa buhay. Tinuloy ko ang nasimulang pagtitinda ni Tiyang Lala sa bahay upang kahit papaano ay may umakyat namang piso sa bawat araw. Hindi lamang ako malilibang, pampatay oras na rin para hindi ko mapansin ang tagal ng takbo ng oras. Pinasok ko rin ang online business at inabala ng husto ang sarili para kahit papaano ay makalimutan ko ang lungkot. Tinanim ko sa isip ko na masaya ngayon si Tiyang Lala sa langit dahil alam niyang kaya ko at hindi na ako nagmumukmok ngayon palagi sa aking silid. Unti-unti ko ng natatanggap na ang lahat ng tao ay mamatay at panandalian lang sa ibabaw ng mundo. Labis-labis din ang pasasalamat ko kay Axel dahil kahit kailan ay hindi niya ako iniwan. Sa hirap man o ginhawa, siya ang nandiya

