Kanina pa ako sa bahay nasasabik. Gusto ko na ngang paliparin ang taxi na sinasakyan ko papunta sa condo ni Kobie dahil nami-miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita kahit na isang araw pa lang naman kaming hindi nagkasama. Masaya ako dahil nakikita kong unti-unti nang tinatanggap ni Tiyang Lala si Kobie. Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo ni Kobie ay nawala kaagad ang ngiti ko sa aking mga labi. Napalitan kaagad ng lungkot ang nararamdam kong tuwa dahil hindi ko man lang siya nasilayan. Kahit ang anino niya ngayon ay hindi ko makita sa condo niya. Excited pa naman ako na makita siya ngayon. Tinungo ko na ang kwarto niya maging ang kusina. Kahit ang banyo ay hindi ko pinalampas. May access ako sa place niya kaya malaya akong lumabas pasok sa loob. Ang akala ko

