Sa loob ng tatlong araw napansin ko ang pagiging matamlay ni Tiyang Lala. Masyado siyang naging apektado sa nagawa ko kay Axel. Umasa kasi si Tiyang Lala na kami na ang magiging huli. Kaya gumawa ako ng paraan para makausap si Axel. Sinadya kong puntahan siya sa hospital kahit alam kong abala siya sa kaniyang trabaho. Bilang isang doctor alam kong hirap na hirap siyang bigyan ako ng oras para harapin. Lalo na ngayon. Mas lalo ko lamang siyang pinapahirapan kapag nagpakita pa ako. Pero gusto kong magkaayos kami at hindi ganito na parang walang kasiguraduhan na okay kaming dalawa. Nilapitan ko ang isa sa mga Doctor na minsan na ring ipinakilala sa akin ni Axel. Ngumiti siya sa akin matapos kong sabihin sa kanya ang aking sadya. "I'll just tell him that you're here," pinal

