Nakatanggap ng tawag si Kobie galing sa Papa niya at gusto raw siyang kausapin. Bigla na lang niya akong niyakap sa aking bewang at para talaga kaming magkasintahan dalawa. Kung may makakakita lang sa amin ngayon, walang maniniwala na magkaibigan lang talaga kaming dalawa. Ang lambing kasi ni Kobie sa akin kahit na friends with benefits lang naman ang namamagitan sa amin. Kung tratuhin niya ako ay para akong espisyal na babae sa buhay niya. Kaya segundo-segundo kong pinapaalala sa sarili ko na natural lang ang pagiging malambing niya at gentleman. Hindi ako magpapadala para hindi ako masaktan. Sa ngayon ay susulitn ko na lang muna ang araw na masaya kaming magkasama. Sana lang talaga hindi ko hanapin ang presensiya niya kapag natapos na kaming dalawa. Sana ay hind iko siya

