Minsan kahit ang daming pagsubok sa buhay. Mapapangiti ka na lang dahil gaano man kabigat ang mga problema, mas masarap pa rin ang mabuhay. Ayos lang kung hahabulin ako ng problema, ayaw ko namang mawalan ng problema dahil kapag nangyari iyon, ibig sabihin nasa hukay na ako. Hindi na baleng maraming pagsubok basta't buhay at kasama ko ang mga taong mahal ko sa buhay. Life is full of meaning. Lalo na kung marunong kang magmahal. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay para pa rin akong nananaginip ng gising. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at parang hindi pa rin ako makapaniwala. Asawa ko na si Kobie at ngayon mismo sa araw na ‘to ang honeymoon naming dalawa. Halos hindi ko na namalayan kung natapos ba ni Father ang kasal namin ni Kobie kahapon. Masyado siyang excited

