"Tiyang, teka lang. Kakausapin ko muna si Kobie," pagmamakaawa ko kay Tiyang Lala dahil ayaw kong umalis ako ng hindi pa kami nakakapag-usap ni Kobie. Umiling ako ng maraming beses upang hayaan ako ni Tiyang Lala na magpaliwag. Pero naging matigas na ang puso ni Tiyang Lala sa akin. Ayaw na niyang makinig sa akin. Galit na galit na rin siya sa katigasan ng ulo ko. "Kakausapin? Ano pa ang silbi ng pag-uusap niyo kung sarado ang utak at isip niya ngayon. Ni hindi ka nga niya magawang pagkatiwalaan," inis na sagot sa akin ni Tiyang Lala at halatang hindi naiintindihan ang pinupunto ko. "Porket ganiyan ka ay huhusgahan ka na niya kaagad!" dagdag niyang wika. "Sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya na wala kang ginawa?" inis na tanong sa akin ni Tiyang Lala. Tila pinagsisisihan nito na n

