Chapter 136

1211 Words

May usapan kami ni Axel na magkikita kami ngayon. Nagpaalam ako kay nanay na aalis na ako at sa labas na hihintayin si Axel. Pero nagulat ako sa aking naabutan. Paglabas ko ng bahay, kaagad kong tinungo kung saan nakaparada ang sasakyan ni Axel. Labis akong nagulat sa aking nasaksihan. Hindi ko inaasahan ang aking mga nakita. Magkaharap ngayon si Axel at Kobie na para bang may seryosong pinag-uusapan. Isang tao na parte ng aking nakaraan at ang isang tao na parte ng aking kasalukuyan. Kinabahan ako bigla sa hindi malaman na dahilan. Kasabay ng ginagawang paghakbang ng aking mga paa ay ang patuloy na paglakas nang kabog sa aking dibdib. Maingat akong naglakad at sinikap na huwag makagawa ng ingay. Ayaw kong isturbuhin ang kanilang pag-uusap. Sa halip gusto kong marinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD