"Masyado ka ng kinain ng pagmamahal mo, Axel. Kahit ano'ng isipin ko, maling-mali ka na! Wala ka na sa lugar! Hindi mo man lang inisip na may masasaktan ka dahil sa mga kasinungalian mo." "Nagmahal ako Kobie. Kaya alam ko na alam mo kung ano ang kayang gawin ng isang taong nagmamahal," mabilis niyang sagot. Matagal na nagsalita si Kobie na para bang may malalim itong iniisip. Parang wala ito sa kaniyang sarili. Ang akala ko nga ay aalis na siya at lulubayan na si Axel. Pero muli na naman itong nagsalita at sa pagkakataong ito ay mababa na ang kaniyang boses. Halatang may inis at galit. "Naging successful ang operasyon ko, Axel. Pero pinalitan mo ang mga gamot ko na nireseta sa akin ng kasama mong Doctor, matapos kong maoperahan. Bakit nga ba? Ganoon ba talaga kalaki ang galit mo

