Chapter 138

1118 Words

Para akong tinutukan ng baril dahil hindi ako makagalaw. Hirap din akong huminga. Ang dami kong gustong itanong, ngunit hindi ko naman sila magawang lapitan. Ang tangi ko lang nagawa ay sundan sila nang tingin sa kanilang pag-alis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ang bigat-bigat ng buo kong katawan. Ganoon din ang nararamdaman ng aking puso. Kaya pinasya ko na lang na umuwi sa bahay at samahan si nanay. Ano ba kasi talaga ang nangyari kay Kobie sa loob ng mga taon na hindi kami nagkikita. Ang akala ko ay umalis siya dahil ginusto niyang saktan ako at iwanan. Pero ngayong nalaman ko na ang totoo, bakit parang nahihirapan na akong ituloy ang kasal namin ni Axel. Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya pero bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin gayong alam nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD