Chapter 141

1263 Words

Tiningnan ko ang orasan na nasa sa aking pulsuhan at napabuntong hininga na lang ako. Napagtanto kong quarter to eleven pm na pala. Masyado ng madilim ang paligid at nakakatakot. Mabuti na lamang dahil maraming dumadaang sasakyan. Nababagot na ako sa loob ng sasakyan at nakakatamad ang kakahintay kung kailan ako makakauwi. Ang sakit na rin ng puwet ko kakaupo sa upuan. Nang tingnan ako ng driver sa maliit na salamin, napansin niyang nawawalan na ako ng gana. "Ma'am, pasensiya na po. Mukhang nasiraan po tayo," nahihiya niyang sabi. Wala akong ibang reaksyon kundi ang panlalaki ng aking mga mata. Hindi na ng umuusad ang takbo ng kotse sa daan. Tapos dumagdag pa ang malakas na ulan. Ngayon naman ay nasiraan kami ng ganitong oras at ang mas masaklap masyadong masama ang panahon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD