Pinag-isipan ko ng husto ang mga sinabi sa akin ni Nanay. Wala akong maayos na tulog at nahihilo na ako kakaisip sa kung ano ang tama at sino ang mas matimbang sa aking puso. Ayaw kong mamili dahil alam ko sa puso ko na makakasakit ako ng damdamin ng isang tao na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kung mananatili ako sa loob ng bahay. Nagpaalam ako kay Nanay at hindi na ito nag-abala pang sumama sa akin. Nagtungo ako sa pinakamalapit na mall sa bahay at binilhan ko si Nanay ng susuotin niyang sandalya para sa darating na okasyon. Tinawagan ako ni Axel. Ilang beses kung hinayaan ang tawag niya at pinalampas. Pagkatapos ng mga nalaman ko ay nawalan ako ng gana na kausapin siya. Kailan ko pa ng oras para kausapin siya. Kung kailan kasi ma

