NAWALAN ng malay si Rain dahil sa labis na emosyon, Nang magising siya’y pulos puting paligid ang kaniyang nasilayan. Nang maalala ang nangyari ay napaupo siya. Naglilikot ang mga mata sa paligid. “Rain!” bulalas ni Kaiden. Mula sa pagkakahiga sa sofa at tumayo ito at lumapit sa kaniya. “Mahiga ka lang muna,” anito. Namamahay pa rin ang takot sa kaniyang puso. “S-Si Mama? Kumusta siya?” balisang tanong niya. “She’s fine. Nasa kabilang ward siya.” Naalala naman niya si Dion. “Teka, si Dion? Ano’ng nangyari sa kaniya?” Bumalik ang nerbiyos niya. Bumaba ng tingin si Kaiden, nanilim ang mukha. “He’s still in the ICU. Katatapos lang niyang maoperahan. Kritikal pa ang lagay niya.” Umawang ang kaniyang bibig ngunit walang katagang nanulas. Awang-awa siya kay Dion. Itinaya nito ang buhay pa