SEVEN months later Ikinasal sina Rain at Kaiden sa huwis. Balak nilang magpakasal sa simbahan pagkatapos niyang manganak. Ayaw niyang magsuot ng gown na malaki ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na ni Rain pero subsob pa rin siya sa office work. No choice, she has to manage her grandfather’s businesses and help Kaiden for his business, too. She’s thankful that her mother fully recovered and went back to work. Ito ang katuwang ni Kaiden sa pamamahala sa Demir corporation. Work from home lamang siya at ginawang opisina ang study room. Dahil maayos na ang relasyon ng kaniyang ina kay Kaiden, hindi na natuloy ang mga plano ng ginang. Sa halip ay nagtulungan na lamang sila sa negosyo. Tinutulungan din siya ng ina sa kaniyang negosyo kapag may oras ito. Kinuya na niyang secretary si Alya, assist