BINANATAN ng suntok ni Rain sa dibdib si Kaiden nang buksan nito ang ilaw, na una’y pinaglaruan. Tawa pa ito nang tawa at hindi ininda ang pananakit niya. Hinuli nito ang mga kamay niya at hinatak palapit dito. Napayakap siya rito. “Kainis ka!” asik niya. Kalaunan ay natawa rin siya dahil sa hitsura ni Kaiden. Tanging itim na boxer lang ang suot nito at pulang apron sa itaas at hindi inalis ang necktie nito. He looks hotter than usual appearance! Nawaglit ang inis niya at takot. “Sorry, natakot ba kita?” amuse nitong sabi. “Takot mo lang? Akala ko minumulto na ako. Bwisit ka talaga!” “Feeling ko nga may multo na rito sa unit mo. Nagluluto ako kanina, nag-flush ang inidoro sa banyo.” Bigla siyang kinilabutan. Humigpit ang yakap niya kay Kaiden. “Huwag mo akong takutin.” “I’m not. Kay