NANGINIG sa kaba si Rain nang makuha ang cellphone ni Kaiden. Tinuyo niya ito gamit ang hinubad na roba ngunit napasukan ng tubig ang speaker. Mabuti na lang hindi ito pipintsuging cellphone. Tumakbo siya pababa sa second floor at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya ang hair blower at tinutukan ang cellphone upang matuyo sa loob. Natataranta na siya sa takot na hindi na gagana ang cellphone ni Kaiden. Nag-off kasi ito. Pero nang maalala ang narinig mula sa tumawag na si Dion ay nahimasmasan siya. Hindi maalis sa kukoti niya ang narinig mula kay Dion. Bakit ganoon na lang ang galit ni Dion kay Kaiden? Nang matuyo ang cellphone ay nagbihis siya ng nighties na pula. Habang pabalik sa rooftop ay binuksan niya ang cellphone. Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas pa ito. Hinahanap na