AYAW paawat sa pagpatak ng mga luha ni Rain habang pabalik-balik sa labas ng ICU ng ospital. Naidiretso roon ang kaniyang ina dahil suspected na stroke ang nangyari rito. Ayaw paawat ng dibdib niya sa kaba. Doon din sa ospital kung saan nakaratay si Lucio dinala ang mama niya. Hindi niya malaman ang gagawin, nagkanda-utal na sa pagdarasal. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa hindi mawaring emosyon. Hindi muna niya pinaalam kay Lucio ang nangyari sa kaniyang ina. Tiyak na mag-aalala ito at ikalala pa ng kondisyon nito. Nakaalis na ng ospital si Kaiden at dumalo sa meeting sa Calla at hindi sila nagpang-abot. Hindi na niya ito inabala. Ang caregiver lang ang kasama ni Lucio sa ward nito. Halos isang oras siyang naghintay sa labas ng ICU bago lumabas ang doktor na nag-asikaso sa mama