NAKATULOG si Rain kakaiyak. Ginising siya ng pagbukas ng pinto. Sa sofa siya nakatulog kung saan siya nasubsob sa pag-iyak. Madaling araw na at sobrang ginaw. Nurse na babae ang pumasok at tiningnan ang kaniyang ina. Bumangon siya nang marinig ang boses ng mama niya. Dagli siyang pumasok sa kuwarto kung saan ito nakaratay. Kurtina lang naman ang sara ng pinto. Gising na ang ginang ngunit nanghihina. Tiningnan ng nurse ang blood pressure nito. “Kumusta ang pakiramdam n’yo, Mommy?” tanong ng nurse sa ginang. Hindi kumibo si Emma. Nabaling kay Rain ang tingin nito. Nilapitan na niya ang ina at hinintay na matapos ang ginagawa ng nurse rito. Sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Kaiden tungkol sa lihim na ibinunyag ng kaniyang ina. Hindi rin niya masisi ang ina bakit nito itinago ang tungk