PUMASOK sa isang cubicle ng palikuran si Rain at doon lang sinagot at tawag ni Kaiden. “Ano’ng problema?” tanong niya sa binata. “Wala naman. Hindi ako uuwi sa bahay ngayon,” ani Kaiden. “Bakit? Baka magduda na naman ang daddy mo.” “Nagpaalam ako sa kaniya na dadalo sa birthday ng kaibigan ko, ni Paul.” “Ngayon ba ang birthday ni Paul?” “Hindi. Magsi-celebrate lang kami para sa championship niya. He won the championship from a California car racing competition.” “Wow! Sayang hindi ako makapunta.” “Bakit?” Nanlamig ang tinig ni Kaiden. Sumandig siya sa dingding. “Kasama ko si Dion, and we had a serious conversation and confrontation.” Tumahimik ang panig ni Kaiden. Nasa biyahe marahil ito dahil may narinig siyang busina ng sasakyan at mahinang tugtog mula sa stereo. “Ano naman a