IRITANG-IRITA si Rain kay Kaiden simula sa boutique, maging sa cafeteria. Hindi siya nito pinansin at mas sinamahan si Cathy na mag-lunch. Ang kasama niya sa mesa ay si Sasha. Saka lang niya naalala na may usapan pala sila na limitahan ang pagsasama. Pero wala sa usapan na lumandi ito sa ibang babae. Pinanindigan na niya ang napag-usapan. Hindi rin niya pinansin si Kaiden. Nag-focus siya sa kaniyang trabaho. Kinahapunan ay nakipagkita siya sa talent manager niya. Nag-chat na siya kay Dion at sinabing magkakaroon siya ng offer sa AGC network para sa movie. Wala itong sagot. Alam naman niya na hindi ito tututol. Nawindang siya nang dumiretso sila ni Clarice sa AGC office. “Bakit narito tayo?” tanong niya sa manager. “Well, since you accepted the offer, the movie producer closed the audit