SINULIT ni Rain ang gabing nakasama niya si Kaiden. Mabuti na lang hindi totoong kinausap nito sa phone si Dion. Nai-cancel na nito ang tawag bago nagsalita, kung hindi ay malaking gulo ang mangyayari. Binanggit din ni Kaiden ang dahilan bakit sinorpresa siya nito at gusto siyang makasama magdamag. Pupunta itong US para sa branch visit. Ang makakasama lang nito sa biyahe ay si Magenta at ibang staff. Tatlong araw lang naman ito roon. Mataas na ang araw nang magising siya. Bumalikwas siya ng bangon nang maisip ang kaniyang ina. Nagsuot siya ng nighties at tumakbo palabas ng kuwarto. Naroon pa rin siya sa penthouse. “Hey! Where are you going?” tanong ni Kaiden na nasalubong niya sa lobby. “Babalik na ako sa kuwarto ko. Baka hinahanap na ako ni Mama!” balisang tugon niya. “Relax. Umali