BRANDON NANINGKIT sa galit ang mga mata ko nang matanaw ko si Aldo na pabalik na pero hindi kasama ang asawa ko. Pinasundan ko sa kanilang dalawa ni Kokoy si Blessy dahil sa aking kutob na hindi ko maipaliwanag. Sa sasakyan pa lang kanina ay nagdududa na ako sa kaniya. “Nasaan na si Blessy? Bakit hindi mo siya kasama?” galit na salubong ko kay Aldo. “Kasama na ba siya ni Kokoy?” “Hindi ho, congressman.” Yuko ang ulo na umiling ang driver. “Pasensiya na ho kayo pero hindi na talaga namin nakita si Senyora Blessy kahit hinalughog na namin ang buong restroom. Pero inutusan ko na si Kokoy na hanapin siya sa paligid.” “F*ck—” Muntik na akong makalimot na nasa public place pala ako at maraming tao ang nakatingin sa amin. Mamumura at mababatukan ko na sana si Aldo. Nilapitan ko siya at pa