BLESSY KULANG na lang ay lumuwa ang mga mata ko matapos kong mabasa ang buong nilalaman ng papel na hawak-hawak ko ngayon. Hindi ako makapaniwala! Kaya inulit ko pa nang ilang beses para lang makasiguro. Tiningnan ko si Dux. “T-totoo ba ‘to?” Nangangatal ang mga labi ko, kasabay ng unti-unting pagkatunaw ng namumuong kaba sa dibdib ko. Gusto kong maiyak sa sobrang saya pero natatakot pa ako… Natatakot ako na baka dinadaya lang ako ng paningin ko. “T-totoo ba?” kinakabahan na tanong ko uli. Walang imik na tumango lang ang asawa ko. Pero tumutulo ang mga luha niya sa kabila ng buhay na buhay na pag-asang nasisilip ko sa kaniyang mga mata. Mayamaya ay inisang hakbang niya ang pagitan naming dalawa bago niya ako niyakap. “Sabi ko naman sa’yo na hindi ako papayag na mawala ka sa’kin, eh… Kah