DUX HINDI ko mapigilan ang makaramdam lalo ng konsensiya habang pinagmamasdan ko ang aking asawa na kumukuha ng damit na susuotin ko mula sa cabinet. Kagagaling lang din naman sa banyo at tinulungan niya akong maglinis ng aking katawan. Tatlong araw na kasi akong nilalagnat. Ito ang napala ko nang ipilit ko sa kaniya noong nakaraang araw na um-attend ako ng Mutya ng Lucban kahit hindi gano’n kaayos ang pakiramdam ko. Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan noon at hindi sinasadyang naambunan ako. And for three days na nagkasakit ako, never akong hinayaan ng aking asawa na kumilos. Totally bed rest talaga ako. Ultimo pagpunta ko sa banyo ay sinasamahan niya ako. Nahihilo kasi ako paminsan-minsan. Muntik na akong matumba at mabagok sa inidoro noong unang araw ng lagnat ko. At kung puwede