BLESSY NAPAWI ang lungkot at kahungkagan na nadarama ko nang huminto ang sinasakyan naming van sa loob ng bakuran nitong bahay namin dito sa Bulacan. Matagal-tagal din kasi nang huli kaming bumisita rito. Kahit may naging karanasan kami rito noon na hindi maganda, mas lamang pa rin ang magagandang memories na nabuo sa bahay na ito. Kaya siguro gano’n na lang ang sayang nadarama ko ngayon na babalik na uli kami rito. Ang bahay naman namin sa Cebu ang gagawin naming bakasyunan. “Blessy!” Nakahanda na ang maaliwalas na ngiti nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Lalo akong nasiyahan nang makita ko ang bestfriend ko. “Alwyna!” Tuwang-tuwa na sinalubong namin ang isa’t isa at saka nagyakap nang mahigpit. Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya na muli kaming nagkita ng matalik ko