BLESSY NAPAHAWAK ako sa balikat ko nang ma-realize ko na sinaksak ako ng kutsilyo ni Tita Virginia. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na susugod na naman siya uli. “T-tita, huwag!” Isinangga ko ang dalawang kamay ko sa sa kabila ng hapdi na nararamdaman ko sa aking balikat. “Papatayin kitang babae ka! Ikaw ang sumira sa buhay naming lahat!” Ngunit mas mabilis na iniharang ni Brandon ang sarili niya kaya hindi natuloy ni Tita Virginia ang pagsaksak niyang muli sa akin, habang patuloy ang putukan sa labas. “What are youd doing?” Pinagalitan siya ng asawa ko at itinulak pa palayo sa akin. “I told you not to hurt my wife, Mom. Ako ang bahala sa kaniya. Si Cayah lang ang puwede mong galawin sa bahay na ito. Huwag mong pakialaman ang pamilya ko.” “Pamilya? Nahihibang ka na ba, Brandon?