DUX WALANG pakialam na minamaneho ko ang aking sasakyan. Hindi na importante kung ilang traffic violations na ang nilabag ko basta makarating lang agad ako sa mansiyon. Tutal, kasunod ko naman sina Makisig. Siya na ang bahalang kumausap sa mga pulis na posibleng makapansin at humabol sa akin. Katabi ko naman dito sa unahan ng sasakyan si Ador. Habang nasa likod naman ang isang kasamahan ni Makisig at isa pa sa mga tauhan ko na kasama ni Ador na dumating kanina. Alam ko na pareho lang nagpapakiramdaman na apat. Mukhang nahuhulaan na rin nila na may ideya na ako sa totoong pakay ng pagsundo nila sa akin. Nagsimulang magduda si Ador nang ipilit ko na isaman namin sa kotse ang kasamahan ni Makisig kaysa sa iba pa naming tauhan. Nakatanggap na kasi kami ng signal mula kina Jomari. Hawak na r