BLESSY “BE careful, babe,” masuyong sabi ni Dux nang alalayan niya ako pababa ng kama. Nandito kami ngayon sa isang resort sa Cebu na kabibili lang niya. Dito muna ako pansamantalang tumira habang hinihintay namin na matapos ang pinapagawa niyang bahay sa katabi ng kubo na tinitirahan namin noon ni Heaven. Pareho kaming nagdesisyon na dito na muna titira sa Cebu matapos ang malalagim na nangyari noon sa Bulacan. Hindi naman natuloy sa pagsabog ang mansiyon tulad nang sinabi noon ni Brandon dahil hindi naman in-activate ni Aldo ang bomb na sinasabi niya. Naipa-renovate na rin iyon ni Dux at naibalik sa dati. Pero may trauma pa sina Clay at Heaven sa bahay na iyon. Hindi nawawala ang takot nila kapag nando’n kami. Hindi kasi biro ang mga nasaksihan at pinagdaanan nila. Kaya ang payo ng P