DUX “MABUHAY ang bagong gobernadora! Mabuhay ang bagong gobernador! Mabuhay ang bagong gobernadora!” Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga taong nakapaligid sa akin habang nakatayo ako rito sa entablado. Para akong nalulula sa sobrang dami ng taong dumalo para makisaya sa victory party na inilaan sa akin ng mga taga-suporta ko dahil sa aking pagkapanalo. Itong pinakamalaking plaza na sa buong Bulacan ang pinili naming venue para ma-accommodate ang libo-libong tao na gustong dumalo. Gayon man ay kulang na kulang pa rin ito. Punong-puno at halos hindi na mahulugan ng karayom. Bukod sa mga taong personal na pumunta, kasalukuyan din kaming naka-live para mapanood din kami ng iba ko pang mga supporter na hindi na kinaya ang dumalo pa. “Mabuhay ang bagong bulacan! Mabuhay an