BLESSY MULING pumatak ang mga luha ko nang matapos kong basahin ang nilalaman nitong papel na hawak ko. Actually, hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na itong binasa. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. “Blessy,” narinig kong tawag sa akin ni Ma’am Lucerna. “Sigurado ka bang hindi ka uuwi? Hahayaan mo ba talagang isipin ni Dux na nakalimutan mo na naman ang mahalagang araw na ito sa buhay n’yong mag-asawa?” Hindi ako nag-abalang punasan ang mga luha ko. Hinayaan ko na pumatak ang mga iyon sa papel na hawak ko. Gusto kong mabasa at mabura lahat ng nakasulat dito. Baka sakaling maglaho rin ang nilalaman nito. Luhaan na umiling ako kapagkuwan, “I can’t, Mau,” ‘Maui’ ang first name niya at iyon ang tawagan namin kapag kami lang ang magkaharap. Lalong dumami ang luhaang