BLESSY ISANG taon ang mabilis na lumipas. At masasabi ko na sa loob ng mga panahon ay mas naging matatag at masaya pa ang aming pamilya. At higit sa lahat, sa awa ng Diyos ay naging mapayapa na ang buhay namin. Napagod na rin siguro ang masasamang loob para pahirapan kami. Kahit ang mga pagsubok ay kusa nang sumuko sa amin. Siguro dahil nasaksihan nila na kami ang pamilya na hindi matitinag ng kahit anong problema. Lalo na kapag buo at sama-samang hinaharap ang mga ito. Mahigit isang taon na rin na nag-o-operate ang Reyes Learning Center. So far, I can say na unti-unti na kaming nakikilala sa buong San Victores at sa mga karatig bayan. Mas dumami pa ang mga estudyante namin at ang mga gusto pang mag-aral. At hindi lang ‘yon. Kabi-kabila na rin ang mga sponsor na kusang lumalapit sa am