BLESSY HINDI ko mapigilan ang mapangiti nang sa pagpasok ko sa kusina ay nadatnan ko sina Catriona at ang kambal na sina Sebastian at Bradford na magkatulong sa pagluluto ng almusal. Nasa bakasyon kasi ang mga katulong dahil Holy Week. At ang mayordoma naman namin ay nagkasakit. Kaya kami munang magpamilya ang nagtutulong-tulong sa pag-aasikaso rito sa bahay. Mabuti na lang at napalaki namin nang maayos ni Dux ang mga bata. Kahit madalas ay sunod sila sa luho ng kanilang ama, well-trained naman sila pagdating sa gawaing bahay. Sila rin ang tipo ng magkakapatid na bihira kung magbangayan, lalo na pagdating sa mga household chore. Ugali nila ang magtulungan para mabilis matapos ang trabaho ng isa’t isa. Makikita rin sa kanila ang pagmamahalan at pagkakaunawaan, maliit o malaking bagay man.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books