BLESSY HINDI ko namalayan na nakatulog na pala ako sa paghihintay kay Dux nang umakyat ako sa aming silid. Nagising na lang ako nang bumukas ang pinto. Mabilis akong bumangon at umupo sa gilid ng kama nang makita ko ang pagpasok ng aking asawa. Ngumiti lang ako sa kaniya bago ko sinulyapan ang nakasabit na wall clock. Pasado alas dose na pala. Pero kasama naman niya si Ion kaya panatag ang loob ko kahit papaano. Anyway, nagkatuluyan nga pala sina Ion at Maaureen. May sarili na rin silang bahay at may isang anak. Pero patuloy pa rin ang serbisyo ni Ion kay Dux bilang head ng personal bodyguards nito. Uwian na nga lang siya. “I’m sorry kung nagising kita, babe,” hinging paumanhin ng asawa ko. Naghubad siya ng sapatos at ng coat muna bago niya inilapag ang attache case na dala. Saka lang s