BLESSY HANGGANG kinagabihan ay hindi pa rin ako makapaniwala na very soon ay magtuturo na uli ako. At ang nakakatuwa pa ay sa sariling school ko na. Hindi pa rin maawat-awat ang tuwang nadarama ko hanggang sa paghiga namin ni Dux. “Para pa rin akong nananaginip, babe,” nakangiting sabi ko sa aking asawa nang humiga siya sa tabi ko. “Excited na akong magturo sa Reyes Learning Center.” Lumapad ang pagkakangiti ko nang banggitin ko ang pangalan ng aming eskuwelahan. “Ang sarap talagang pakinggan…” Napangiti rin si Dux nang tumagilid siya ng higa paharap sa akin. “Excited na rin akong makita kang nagtuturo na uli at sa school na natin, babe.” He cupped my face gently. “And I want you to know na masaya akong makita kang masaya…” Sinapo ko rin ang kaniyang kanang pisngi. “Basta maraming sala