DUX “WHERE’S Mommy, Dad?” tanong ni Clay habang pinapakain ko na sila ng almusal. Marunong na siyang kumain nang mag-isa. Gano’n din naman si Catriona. Pero mabagal pa at makalat kaya sinusubuan ko na lang. “Umalis na, anak. Pumasok na sa school,” malambing na sagot ko sa kaniya. “Bakit po hindi siya nag-kiss sa amin?” “Nag-kiss ang Mommy n’yo sa inyo pero dahil tulog pa kayo kanina kaya hindi n’yo alam,” palusot ko na lang. “Eh, bakit po laging maaga kung umalis si Mommy? Gusto ko po siyang kasabay sa breakfast, eh.” Napahinto sa aktong pagsusubo kay Catriona dahil sa lungkot na nakikita ko sa mga mata ng Kuya Clay niya. Hindi rin maitago sa boses nito ang lungkot na iyon. Pero mas nalulungkot ako sa tuwing hinahanap ni Clay nang ganito ang asawa ko. Mas sanay kasi siya na ang m