DUX “DADDY, ang sabi po ni teacher, bukas na daw po kami gagawa ng comic book. We need to bring materials na daw po,” sabi ni Clay nang makarating kami sa bahay. Two hours lang naman ang pagitan ng class dismissal nila ni Catriona kaya hinintay ko na siya. Sinumpong na naman kasi si bunso kanina kaya hindi na ako nakaalis. Tumambay na lang ako sa puwesto ni Kuya Mario kanina, katulad ng madalas kong ginagawa, para lang makaiwas sa mga nanay na walang tigil sa pag-i-interview sa’kin. “Okay, buddy. Let’s wait for Mommy, ha? Siya kasi ang nakakaalam niyon, eh. Bibili agad kami ng materials mamaya pagdating niya,” masuyong sagot ko. “Okay po. Si Spider-Man ang gusto ko pong character, ha?” “No problem, buds.” Nangingiting pinindot ko ang tungki ng kaniyang ilong. “Si Mommy at Daddy na ang