Harlie Lumipas na ang dalawang araw at isang gabi simula noong umalis sila Crystal, Omer at Rage. Ilang beses ko nang kinontak ang mga phone number nila, ngunit hanggang ngayon, kahit isa sa kanila ay walang sumasagot. Hanggang sa hindi ko na ma-reach ang mga number nila. Hindi na ako mapakali. Sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Night came again. Nangangati na akong sundan sila ngayon sa London. But where can I find them there? Napakalaki ng lugar na 'yon. Ilang ulit akong nagpabalik-balik ng lakad dito sa loob ng silid ko. My chest was pounding so hard at this moment. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Nagtungo ako sa walk-in closet ko at napatitig sa mga damit ko, ganun din sa mga travel bag ko sa itaas ng cabinet. Heto na naman ang sistema kong