ARIN VERGARA __ Dumiretso ako sa sink at binasa ng tubig ang mukha ko. Katatapos ko lang iyong punasan nang makita ko si Maggie na nakasandal at nakahalukipkip sa pinto ng isang cubicle. "Are you okay?" Muli akong kumuha ng tissue at marahan iyong pinunas sa mukha ko. Tiningnan ko ito mula sa salamin. "I don't feel well." She smirked at me. "Sumasama ba talaga ang pakiramdam kapag nadilagan na after three years? Oh, sabagay, you have to adjust with the size again. It's quite challenging." Hinugasan ko ang kamay ko at hindi na ito pinansin pa. "Kumusta 'yang mga sugat mo? Are you sure you can work?" Tinuyo ko ang kamay ko at umalis na sa harap ng sink without giving her an answer. I made my way to the VIP room. I was about to pull down the knob pero sandaling tumigil ang kamay k