MAGGIE __ "Ang sabi ng doctor, na-infection ka at over fatigue ka," panimula ko habang kumakain ng saging nang magising na ito. Prente lang akong naupo sa isang silya sa tabi nito. "Well, baka dahil sa sunod-sunod mong trabaho. You aren't used to it. Gabi na ang trabaho natin sa club at hirap ka pang matulog, plus... nasagasaan ka pa ng malaking-malaking truck." Ngumisi ako. Alam na nito kung anong truck ang tinutukoy ko. Hindi ito sumagot at tumingin sa gawing balcony. Perhaps, she was still thinking kung anong nangyari. Inalis ko sa pagkaka-dekwatro ang hita ko nang makita kong may pumasok sa pinto. Agad kumunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?" Nakuha pa nitong ngumiti sa akin. "Hello, Ms. Maggie. Nagdala po ako ng soup para sa'yo at kay Ms. Arin. Narinig ko po kasi kanina mas