bc

The Billionaire's Blind Wife

book_age16+
39
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
escape while being pregnant
second chance
arranged marriage
heir/heiress
enimies to lovers
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lara lost her eyesight and her job after saving the old lady. And her family scolded her. Her mother decided to sell her to a wealthy old man, but she escaped. She met Khalid, the guy who claimed he was the grandson of the woman she saved before. The guy offered her marriage and to protect her. She agreed to avoid her parents. Despite her blindness, she learned to fall in love with Khalid. The struggle came when Mildred ruined her relationship with Khalid, wanting to replace her as Khalid’s wife. Due to a misunderstanding, Khalid suddenly divorced her. She left to find her peace, but she found out she was pregnant. Lara’s life reversed when she met her wealthy biological parents. They helped her recover her eyes and gave her everything she needed. Khalid started chasing her after learning about her pregnancy. Would she be willing to give Khalid a chance?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BITBIT ng dalawang kamay ni Lara ang plastic bag ng basura. Lumabas siya ng restaurant upang itapon ang basura sa gilid ng kalsada kung saan iniimbak. Kinukuha lang ito ng truck ng basura. Habang inaayos ang basura ay napansin niya ang matandang babae na bumaba ng taxi. Tatawid na ito ng kalsada ngunit napansin niya ang rumaragasang kotse. “Ma’am!” sigaw niya. Tila hindi siya narinig ng ginang kaya tumakbo siya patungo rito. Nahatak niya palayo sa kalsada ang ginang ngunit biglang nahagip siya ng kotse. Tumilapon siya sa kalsada at sa lakas ng impact ay nabagok ang ulo niya sa matigas na sahig. Bigla na lamang dumilim ang paligid niya. Nang muling magkamalay si Lara ay hindi niya maikilos ang kaniyang katawan. May piring ang kaniyang mga mata kaya wala siyang makita. Halu-halong tinig ang naririnig niya sa paligid. Tila may nakapansing nagkamalay siya at may lumapit sa kan’ya. “N-Nasaan ako?” paos niyang tanong. “Narito ka sa ospital. Nasagasaan ka ng kotse,” sabi ng boses babae, malamang ay isang nurse. Awtomatikong nilamon siya ng kaba at pilit iginagalaw ang kaniyang mga kamay. May kamay na humawak sa kanang kamay niya at pilit siyang pinigil sa pagkilos. Ang kamay na iyon ay medyo kulubot ngunit makinis at malambot. “Huwag ka munang kumilos, hija. Napahamak ka dahil sa pagligtas mo sa akin,” sabi ng ginang. Napagtanto niya na ang kaniyang kausap ay iyong matandang babae na sinagip niya mula sa kotse. Hiningi ng nurse ang detalye tungkol sa kan’ya at ibinigay naman niya. “Ako pala si Milagros Vergara, Lara. Hayaan mong tulungan kitang maipagamot ang enjury mo. Mamaya ay darating ang doktor,” sabi ng ginang. “Salamat po. Pero wala po bang dumating mula sa pamilya ko?” tanong niya. “Ah, wala pa naman. May katrabaho ka mula sa restaurant na nakausap ko. Sabi niya, natawagan na niya ang kapatid mo at pinaalam sa magulang mo ang nangyari.” May kung anong kumirot sa kaniyang puso nang maisip na binalewala siya ng kaniyang pamilya. Simula bata siya ay hindi na maganda ang trato sa kan’ya ng mga kapatid at ina. Isa iyong palaisipan sa kan’ya. Minsan ay nagdududa siya kung tunay ba siyang anak. Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na doktor at inalis ang benda sa kaniyang mga mata. Nagmulat na siya ng mga mata ngunit nakapagtatakang wala pa rin siyang maaninag kahit anino. “Ma’am Milagros, bakit wala akong makita?” tanong niya sa ginang. “Ha? Dilat na ang mga mata mo!” eksaherado naman turan ng ginang. Nataranta na siya at nangangapa ang mga kamay. Sinuri ulit ng doktor ang kaniyang mga mata at may test pang ginawa. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay bumalik ang doktor. “Ikinalulungkot kong ipabatid sa inyo na apektado po ang ilang nerves sa utak ng pasyente at naapektuhan ang paningin niya,” sabi ng doktor na lalaki. “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. “Nabulag ka, hija. Sa ngayon ay wala pa kaming mahanap na solusyon upang ma-recover ang paningin mo.” Napatda siya at tuluyang nilamon ng kaba ang kaniyang puso. Hindi niya naawat ang sarili na napakagulgol. Niyakap lamang siya ni Milagros upang kumalma. Dalawang araw pa ang lumipas ngunit wala pa ring dumating ni isa sa pamilya ni Lara. Nakakaya na niyang maglakad gamit ang saklay ngunit wala pa ring senyales na makakita siyang muli. Halos gabi-gabi siyang umiiyak sa takot na hindi na ma-recover ang kaniyang paningin. Kagigising lang niya nang marinig ang mga taong nag-uusap sa paligid. Naroon na si Milagros at kausap ang doktor, may nagsalita ring baritonong boses ng lalaki. “Baka magawan n’yo po ng paraan para magamot ang mga mata ng pasyente, Doc. Kawawa naman siya,” sabi ni Milagros sa doktor. “Kailangan pong maipatingin sa espesyalista ang pasyente. Asahan n’yo rin na malaki ang magagastos,” sabi ng doktor. Umapela naman ang medyo bata pang lalaki. “Wala pong problema sa pera. Babayaran ko lahat ng bill sa ospital. Mag-iiwan na rin ako ng isang daang libo para sa pagpapagamot ng pasyente,” sabi ng lalaki. “Gagawin po namin ang makakaya namin. Ako na rin ang bahalang kakausap sa pamilya ng pasyente,” wika ng doktor. Mayamaya ay nilapitan ni Milagros si Lara. May inipit itong bundle ng pera sa kaniyang kamay. “Isang daang libo itong pera. Itabi mo ‘yan, Lara. Kapag dumating ang nanay mo, sabihin mo na itong pera ay pampagamot mo sa mga mata. Wala na rin kayong babayaran sa ospital. Hindi na kami magtatagal,” sabi ni Milagros. Sandali pa siya nitong niyakap. “Salamat po, Lola,” tanging nawika niya. Nagpaalam na sa kan’ya ang ginang pero naiwan ang doktor, kinausap siya. Makalipas ang ilang minuto ay may dumating, si Anna, dala ang bag niya na naiwan sa restaurant. Si Anna ang manager sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho. Kaibigan niya ito, pero lilipat na rin ng kumpanya na mas malaki. Kaagad siya nitong nilapitan at niyakap. “Kumusta ka na, Lara?” tanong nito. “Heto, hindi na ako makakita,” humihikbing tugon niya. “Pero magagamot pa naman ang mga mata mo ‘di ba?” “Hindi ako sigurado.” “Sandali, kakausapin ko ang doktor.” Iniwan siya ni Anna. Dinig niya ang tinig nitong papalayo. “Ano po ang status ng kaibigan ko ngayon?” tanong ni Anna sa doktor. Hindi na niya narinig ang usapan dahil tila lumabas na ang doktor kasama ang kaniyang kaibigan. Humiga na lamang siya at kinapa ang kaniyang bag na nasa mesita. Ipinasok niya sa bag ang bundle ng pera. Bumalik din kaagad si Anna pero hindi nagtagal. Tinawagan lang nito ang nanay niya gamit ang kan’yang cellphone. Pagkatapos ng tanghalian ay dumating din sa wakas ang ina ni Lara, si Josie. Pero sa halip na alamin ang sitwasyon niya ay sermon pa ang inabot niya rito. “Ayan, nagpapakabayani ka kasi! Ano’ng napala mo? Nabulag ka! Paano ka pa makapagtrabaho niyan? Ang pag-aaral mo, hindi mo na matatapos! Marami pa tayong bayarin sa bahay, kuryente, tubig, ang upa sa bahay. Palalayasin na tayo nito!” palatak ni Josie. “Hindi ko naman akalaing hahantong sa ganito, Nay. Tinulungan ko lang naman ‘yong matanda,” lumuluhang depensa niya. Tinapik pa ni Josie ang kaniyang kanang braso. “Hindi ka nag-iisip! Kakarampot na nga lang ang sinasahod mo sa restaurant, mawawalan ka pa ng trabaho! Paano na tayo makabayad sa utang nito? Sabi ng doktor, malabo ka pang makakita. Paano ‘yan? Wala tayong perang pampagamot sa mga mata mo!” “Nagbigay po ng perang pampagamot ko ang matandang tinulungan ko. Bayad na rin po ang bill sa ospital,” aniya. “Nasaan ang pera?” “Nasa bag po.” Biglang tumahimik ang nanay niya. Kinakalkal na nito ang kaniyang bag. “Ako na ang hahawak nitong pera,” sabi nito pagkuwan. “Huwag n’yo pong babawasan ‘yan. Pampagamot ko po ‘yan sa mga mata,” aniya. “Huwag mo akong pangunahan! Nakaperwisyo ka na sa pamilya natin, eh! Ano na ang gagawin mo ngayong hindi ka na makapagtrabaho? Magpapaalaga ka na lang sa amin? Nako! Wala kang aasahan sa akin at mga kapatid mo, Lara!” “Kaya nga po magpapagamot ako. Makakabalik din ako sa trabaho oras nakakita na ako ulit.” “Oh, ano? Hindi mo pa ba kayang maglakad? Hindi puwedeng magtagal tayo rito sa ospital,” pagkuwan ay sabi ni Josie. “Nakapaglalakad na po ako pero may tungkod. Kailangan ko rin po ng alalay.” “Nako! Alagain ka na ngayon! Oh, siya, maghintay ka rito. Kakausapin ko ang doktor kung kailan ka puwedeng makauwi.” Tumango lamang siya. Matapos makausap ng nanay niya ang doktor, pinayagan din silang makalabas pero bawal pa siyang magkikilos. Pagdating ng bahay ay hindi rin makapagpahinga nang maayos si Lara. Maingay ang kapitbahay nila at dalawang kapatid niyang sampung taon at kensi anyos, isang babae at lalaki. Ang sumunod sa kan’ya ay lalaki, biyente anyos pero tumigil sa pag-aaral. Nagtatrabaho ito sa construction pero kulang pa sa bisyong alak at sigarilyo ang sahod. Isang linggo pa ang lumipas. Hintay nang hintay si Lara kung kailan siya dadalhin ng nanay niya sa doktor. Dinig niya itong kausap ang may-ari ng bahay na inuupahan nila. Nagulat siya nang sabihin ng nanay niya na lilipat na sila ng bahay. May nabili na umano itong bahay. Hindi siya nakatiis at nangangapang lumabas ng kuwarto. “Nay?” tawag niya sa ina. Umalis na ang kausap nito. “Oh, bakit?” padaskol nitong tanong nang makalapit sa kan’ya. “Ano po ang ibig n’yong sabihin na lilipat na tayo ng bahay?” “Ah, bumili ako ng bahay.” “Saan po kayo kumuha ng pera?” “Eh, ‘di ‘yong perang binigay sa ‘yo ng matanda ka’mo. Ginamit ko muna kasi kailangan na nating makalipat.” Nawindang siya. “Ho? Bakit n’yo po pinakialaman ang pera? Pampagamot ko ‘yon sa mga mata!” “Uunahin ko pa ba ‘yang mga mata mo? Palalayasin na tayo rito. Saan tayo matutulog, sa kalsada? Mag-isip ka nga, Lara!” Walang magawa ang dalaga kundi umiyak. Kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang pera. Nanlulumong lumuklok siya sa sofa. “Tigilan mo nga ang kakaiyak mo riyan, Lara! Huwag kang mag-alala, maipapagamot pa rin naman ang mga mata mo,” ani Josie. “Paano po?” “Iyong dati kong amo na mayaman, si Don Miguel na matandang binata, matagal ka na niyong gustong bilhin. Katunayan ay pumayag na ako. Kaya bukas makalawa ay pupunta siya rito para sunduin ka. Siya na ang magpapagamot sa mga mata mo.” Nagimbal siya at hindi malaman ang gagawin. “Ano po? Bakit n’yo ginawa ‘yon? Ano’ng akala n’yo sa akin, bagay na ipagbibili n’yo?” protesta niya. “Huwag ka na magreklamo! Magiging pabigat ka lang sa pamilyang ‘to kaya mas mabuting magpakasal ka sa mayaman nang guminhawa naman ang buhay natin!” Pakiramdam ni Lara ay nagkapira-piraso ang kan’yang puso. Hindi niya akalaing magagawa iyon sa kan’ya ng minahal niyang ina. Kung nabubuhay lang ang tatay niya, hindi niyon hahayaang gawin ‘yon ng nanay niya. Nang umalis ang nanay ni Lara ay nilubos niya ang pagkakataong makaalis. Mahahalagang gamit lang ang isinilid niya sa bag at tinawag ang kaibigan niyang tricycle driver. Nagpahatid siya rito sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho. Kinuha niya ang natitira niyang sahod. Nang makuha ang pera ay lumabas din siya ng restaurant at kinakapa ng walking stick ang kalsada. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Hinabol pa siya ni Anna. “Saan ka pupunta, Lara?” tanong nito. “Kahit saan basta hindi malaman ni Nanay.” Naisip niyang patawagan kay Anna ang numerong binigay sa kan’ya ni Milagros. Nakasulat ito sa papel at naipasok niya sa maliit na bulsa ng kaniyang bag. “Puwede bang tawagan mo ito, Anna?” aniya. Ibinigay niya ang papel sa kaibigan. “Kaninong number ito?” “Sa matandang tinulungan ko noon. Pakisabi baka puwedeng tulungan niya ako. Lumayas ka’mo ako sa bahay. Narito ako sa restaurant kung saan ako nabangga ng kotse.” “Sige. Tatawagan ko.” Mayamaya ay may kausap na si Anna. Pinakausap din nito sa kan’ya si Milagros. Nangako ang ginang na tutulungan siya. Papupuntahin umano nito ang apo upang sunduin siya. “Babalik na ako sa trabaho, Lara. Dito ka lang at hintayin ang sundo mo, ha?” sabi ni Anna. Binigyan pa siya nito ng pera. “Salamat, Anna.” Naglakad-lakad siya gamit ang walking stick. Mayamaya ay may narinig siyang humintong kotse sa tapat niya. Nag-panic pa siya sa isipin na ang dumating ay iyong matandang bibili umano sa kan’ya. Nataranta siya nang may lumapit sa kan’ya, mabago. Itinutok niya kung saan ang kaniyang tungkod. “Huwag kang lalapit!” asik niya. “Hey! Calm down. Hindi ako masamang tao,” sabi ng pamilyar na boses ng lalaki. “S-Sino ka?” nanganginig ang tinig niyang tanong. “Ako si Khalid Vergara, apo ni Milagros, iyong matandang iniligtas mo.” “Khalid?” sambit niya. “Para maniwala ka, tatawagan ko si Lola.” Mayamaya nga ay may kausap na sa cellphone ang lalaki. Ibinigay nito sa kan’ya ang cellphone at nagsalita si Milagros mula sa kabilang linya. “Lara, huwag kang matakot. Apo ko si Khalid. Sumama ka sa kan’ya para hindi ka mapahamak sa labas,” ani Milagros. “Opo. Maraming salamat po,” lumuluhang wika niya. Ibinalik din niya kay Khalid ang cellphone. “Let’s go, Lara,” paanyaya ni Khalid. Kinuha nito ang walking stick sa kamay niya. Mayamaya ay nagulat siya nang bigla siya nitong buhatin. Awtomatikong tumulin ang t***k ng kan’yang puso. Hindi siya nakaimik nang isakay siya ng binata sa kotse.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.9K
bc

His Obsession

read
100.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
24.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook