Chapter 4

1004 Words
Hindi niya alam ang gagawin habang nanatiling nakamata kay Aiden sa di kalayuan. Alam niyang hindi siya nagkakamali, ang lalaking nakikita niya ngayon at ang lalaking nakita niya sa Tragora Mall ay si Aiden. "Bumalik na siya," bulong niya. "Aiden is back for good," narinig niyang tinig sa di kalayuan. Napalingon siya doon at nakita ang babaing nakabunggo niya sa mall na kasama ni Aiden noon, kausap ang may edad na babae na kung hindi siya nagkakamali ito ay si Mrs. Del Castillo. "Yes Tita, ewan ko ba dyan kung bakit gustong-gusto niyang umuwi dito," maarteng sabi ng babae. Nanatili siya sa kinauupuan habang pinaglilipat-lipat niya ng tingin kay Aiden at sa dalawang nag-uusap malapit sa kinauupuan niya. Napasulyap sa kanya ang babae at kumunot ang noo nito nang makita siya. Mabilis siyang nag-iwas ng mukha at dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo at mabibilis ang ginawang paglakad palayo sa mga ito. Bigla siyang malakas na bumunggo sa kung ano at muntik pa siyang bumagsak sa buhanginan kundi lang may biglang humila sa bewang niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatunghay sa kanya ang gwapong mukha ni Aiden. "Are you ok?" tanong nito na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya. Mabilis siyang nakabawi at inalis ang mga kamay nito sa bewang niya. "Yes! I'm sorry," nakuha niyang sabihin at mabilis na nilagpasan ito para makaiwas na. "Miss, wait!" tawag nito na kinagulat niya at napahinto sa paglalakad. Nais niyang lingunin ito pero tila sasabog na ang dibdib niya sa kaba. "You forgot something," narinig niyang muling sabi nito at napatingin sa kamay. Isang pares na lang pala ng sapatos ang hawak-hawak niya. "Kainis," bulong niya at humugot muna ng malalim na hininga bago lumingon kay Aiden at naglakad palapit rito. Pilit niyang iniwas ang mga mata rito dahil ramdam niyang nakasunod ang mga mata nito sa kanya. "Here," sabi nito sabay abot sa puting sneaker na madalas niyang isuot. "Thank you," mahinang usal niya at kinuha ang sapatos mula rito. "Do I know you?" tanong nito na nagpagulat sa kanya at napaangat ng mukha. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ah... maybe not," sagot niya at ngumiti ng alanganin at mabilis na siyang naglakad palayo rito. Alam niyang nakasunod pa rin ng tingin sa kanya si Aiden hanggang sa makalayo siya kaya halos hindi siya humihinga. Pagdating niya sa gate, daig pa niya ang hinabol ng aso sa paghabol niya sa hininga. "Oh uuwi ka na? Ang bilis mo yata ngayon," sabi ni Mang Cesar sa kanya nang makita siya sa may gate. "Tumawag kasi si Nanay, pinapauwi na po ako," pagsisinungaling niya at pasimpleng sinulyapan ang pinanggalingan. Hindi na niya nakita pa si Aiden. "Ganoon ba, mag-ingat ka sa pag-uwi ah," sabi nito at mabilis na siyang lumabas at sinuot ang mga sapatos at hinila na ang bike. Muli pa siyang napasulyap sa may gate, nagbabaka sakaling sinundan siya ni Aiden pero hindi niya ito nakita. Kumaway pa siya kay Mang Cesar bago tuluyan pinaandar ang bisikleta. Pagdating sa bahay, nagbubunganga ang Nanay niya dahil sa Ate Lanie niya. Nagsumbong daw si Mike sa Nanay niya na nakipag-party ang Ate Lanie niya sa boss nito, kaya naman pinagsasabihan niya ito. Alam niyang boto na ang Nanay niya kay Mike dahil kahit papano maayos-ayos naman ang katayuan nito sa buhay, may mga negosyo ang pamilya nito at isama pa na nag-iisang anak lang ito kaya kung sakaling makakatuluyan ito ng Ate Lanie niya, hindi ito mahihirapan sa buhay. Ewan niya kung anong nangyari at bakit sumama ang kapatid sa boss nito samantalang ang alam niya eh mahal na nito si Mike. Bumuntong hininga na lang siya at nagtuloy na sa pag-akyat ng hagdan. Ayaw niyang makisali sa gulo at ayaw na niyang malaman pa ang ano mang detalye ng gulo. Pagdating sa silid, kaagad niyang binagsak ang katawan sa kama at napatitig sa kisame at tila nakikita niya pa ang pangyayari kanina nang bumunggo siya kay Aiden at hawakan siya nito sa bewang. "Nakilala kaya niya ko?" tanong niya. "Mella! Mella!" tawag ng Nanay niya mula sa labas. "Bakit po?" "Lumabas ka muna dyan at ikaw na ang magluto, sumakit ang ulo ko sa kapatid mo!" sigaw ng Nanay niya. Wala naman siyang nagawa kaya tumayo na siya at bumaba. Alam niyang hindi maaasahan ang Ate Lanie niya pagdating sa kusina, wala naman ang Ate Joan niya, namasyal daw ito kasama si Arman at ang anak. "Hoy Mella!" tawag sa kanya ng Ate Lanie niya. "Bakit?" tanong niya sabay ikot sa mga mata. "Hindi ba't madalas kang pumunta sa Del Castillo Resort?" "Ano naman ngayon?" "Gaga! Iwasan mo muna ang pagpunta mo doon, dahil ang balita ko bumalik na si Aiden dito sa atin," sagot nito na nagpahinto sa kanya sa paghiwa ng sibuyas. "Alam mo namang allergic sa atin iyong bwisit na iyon, baka makita ka doon at mapagbuntunan ka pa niya," patuloy nito. "Eh hindi na rin naman siguro niya ko mamumukhaan," sagot niya dahil iyon ang inaasahan niyang mangyari. "Anong malay mo! Alam mo namang bad boy iyon, baka ikaw ang mapagbuntunan ng galit sa pamilya natin." "Hindi yan, saka matagal na iyon ate." "Ah.. teka, hindi ba doon mo balak mag OJT?" "Oo," sagot niya at inayos na ang kalang na paglulutuan niya habang nakaupo lang ang kapatid at wala itong balak tulungan siya sa paghahanda. "Sa iba ka na lang mag OJT, mahirap na." "Ate, ano bang kinatatakot mo? Matagal na iyon, isa pa baka nga hindi na tayo kilala nung tao eh." "Hindi namamatay ang ano mang tsismis dito sa San Miguel at sigurado akong pag nakita yang si Aiden na yan ng mga tsismosa, bubuksan na naman nila ang kwento tungkol sa atin at sa lalaking iyon," sagot ng kapatid sa kanya. Alam naman niyang hindi pa namamatay ang tsismis sa pagitan ng pamilya nila at kay Aiden. Alam niyang magpa hanggang ngayon topic pa rin ito ng mga tsismosa sa bayan nila, kahit pa sabihin limang taon na ang nakakalipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD