Chapter 28

2307 Words

ISANG linggo ang lumipas. Hindi lumabas ng bahay ng ilang araw si Alexa. Nagkukulong lang siya sa kanyang kuwarto at inaaliw ang sarili sa pagguhit. Nang unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam niya ay naglinis siya ng kanyang kuwarto. Nang ilabas niya lahat ng gamit niya sa lumang aparador ay nakita niya ang dalawang munting bahay na yari sa diyaryo. Ang isa ay natatanggal na ang kulay. Pinagtabi niya ang dalawa. Wala itong pagkakaiba. Nang maisip na ang gumawa ng mga bahay na iyon ay parehong nanakit sa kanya ay nagdesisyon siyang sunugin ang mga iyon. Dinala niya ang mga ito sa ginagawa nilang bahay sa Makati. Kasama niya si Ace para bisitahin ang lugar. Nagsisimula na kasi ulit ang construction nito. Ginamit niya ang naipon niyang pera para matapos na ang bahay. Kinahapunan ay nagtun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD