PASIKRETONG pumunta si Alexa sa OB-GYN para ma-confirm kung talagang buntis siya. Kompirmadong mahigit isang buwan na siyang nagdadalang-tao. Maraming payo sa kanya ang doktor para maalagaan niya ang baby niya. Binigyan din siya ng vitamins dahil sa mababang blood pressure niya. Makalipas ang isang linggo ay nakatanggap ng invitation message si Alexa mula sa JCL Construction company. Iniimbitahan siya para sa interview at exam. Maaga pa lang ay nagtungo na siya sa nasabing kumpanya. Marami siyang kasamang nag-a-apply sa iba-ibang posisyon. Nang siya na ang tawagin ay dagli siyang pumasok sa opisina ng manager. Nagulat siya nang pagpasok niya ay wala siyang ibang nakita kundi ang ex-boyfriend niyang si Rendel. Saka niya naalala na pag-aari pala ng pamilya nito sa kumpanyang gustong pasuka