Chapter 23

1705 Words

PAULIT-ULIT na tinatawagan ni Gaizer si Alexa pero hindi ito sumasagot. Hindi din ito nagre-reply sa messenger. Hindi siya makakapunta sa Tagaytay kaya ito dapat ang papupuntahin niya para kausapin si Mr. Herera tungkol sa gusto nitong ipadagdag sa plano. Katatawag lang kasi sa kanya ng ginoo. Nasa biyahe sila ni Kent patungong Zambales lulan ng kanyang kotse. “Sino ba ang tinatawagan mo?” tanong ni Kent. Ito ang nagmamaneho dahil mas kabisado nito ang daan. “Si Alexa,” tugon niya. “Hindi puwedeng dedmahin niya ang tawag ko dahil importante ito. Aalis si Mr. Herera papuntang Hongkong bukas. Magagalit ‘yon kapag walang sumipot sa kanya ni isa sa amin,” aniya. “Nasaan ba si Alexa? Wala naman ata siyang ibang project dahil patapos na ang project nila ni Franco sa Cavite.” “Hindi ko alam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD