Chapter 24

1078 Words

DALAWANG beses tinawagan ni Franco si Alexa pero hindi sumasagot. Wala ito sa opisina ng mga ito. Ang sabi ng kapwa nito architect ay nasa architects’ working lodge raw ang dalaga. Kararating lang niya galing Cebu at dumeretso siya roon sa kumpanya dahil gusto siyang kausapin ng abogado ng lolo niya kasama si Alexa. Palapit na siya sa architects’ lodge nang masalubong niya si Kent na mukhang kagagaling lang sa nasabing kuwarto. May tinitingnan ito sa cellphone nito. Nang makita siya’y mabilis nitong naitago ang cellphone. “Franco, nakabalik ka na pala. Welcome back!” bati nito habang pilit ang ngiti at halatang balisa. “Yes. Thanks,” aniya saka ito nilagpasan. Bigla siyang hinarang ni Kent. ‘Ah, gusto mo bang mag-meryenda muna? Sagot ko. Matagal na rin tayong hindi nakapag-bonding, eh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD