Chapter 25

2365 Words

TINAPOS lang ni Alexa ang kanyang ginuguhit saka siya nagtungo sa opisina ni Roger. Nagulat siya pagdating niya ay nakita niya si Franco na nakaupo sa silya katapat ng lamesa ng daddy nito. “Maupo ka, hija,” alok ng ginoo. Umupo naman siya sa silyang katapat ni Franco. Kakaiba ang aura nito. Napakadilim at sobrang seryoso. “Katatapos lang naming mag-usap ni Atty. Sandoval. Hindi na niya kayo nahintay na dalawa kaya ako na lang ang kinausap niya. Tungkol iyon sa mana. Sinabi niya na sa katapusan ng buwan na ito ay kailangan nang mailipat sa pangalan ng magmamana ang mga ari-arian ni Papa,” sabi ni Roger. Kinabahan si Alexa. Dalawang linggo na lang ay katapusan na ng buwan. Wala man lang naging komento si Franco. Tahimik lang ito. “Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. Kailangan maikas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD