AYAW na muna sanang pumasok ni Alexa sa kumpanya pero pinapapunta siya ng papa niya dahil nagdesisyon si Roger na magkaroon ng munting pagtitipon para klaruhin ang tungkol sa eskandalong kinasasangkutan niya. Pagkakataon na niya iyon para magsalita at depensahan ang sarili. Sa conference room kung saan inimbitahan lahat ng opisyales ng kumpanya at ilang empleyado na bumabatikos sa nasabing eskandalo. Ang ilan ay nagrereklamo dahil nag-aalala ang mga ito para sa susunod na magiging presidente ng kumpanya. Paano raw magagampanan ng susunod na presidente ang tunkulin nito kung sarili nitong relasyon sa magiging asawa ay hindi nito napangalagaan. Iginiit ng mga ito na hindi seryoso si Alexa sa pagpapakasal kay Franco dahil may kalaguyo siyang ibang lalaki. Daladala pa rin ng dalaga ang kahih