1

2357 Words
NAPABANGON si Renz sa higaan dahil sa init ng sikat ng araw na dumampi sa mga balat niya. Damang dama niya ang init niyon. At pupungas pungas na nagderetso sa banyo at nag ayos. Kakauwi niya lang kahapon at hindi niya alam ang dapat niyang gawin dito sa Pilipinas. "Good morning Dad." Bati ni Renz sa amang kasalukuyang nag-aagahan. "I scheduled your first training sa C-Mall Quezon City next week. So you still have 1 week to get wasted." Bilin sakanya ng ama. He just rolled his eyes. Maraming beses na nilang pinag-awayan ng ama ang bagay na iyon. Handling a mall is not his thing. Travelling, photography, and freedom is his life! And he doesn't want to be in a cage by handling their malls and do some paper works!  But he has no choice. His father leaves him no choice. He already pulls some strings para mawalan siya ng projects at ini-hold nito maski ang bank accounts niya at wala siyang pera unless susundin na niya ito. His father is good but he can also be ruthless at ayaw niyang sagarin na ang pasensya nito. Because they have an agreement. At the age of 25 ay dapat responsible na siyang hawakan ang company nila bilang nag iisang anak at tagapagmana nito. Ngunit 28 years old na siya. Still single,  not into long term commitment either work or love life at higit sa lahat he doesn't care for anyone unless kapamilya niya ang mga ito. "Whatever Dad. Kahit naman tumanggi ako hindi ka pa din titigil sa kakakulit sakin." Sagot nalang niya dito at nagsimulang sabayan ito sa pagkain. "Mabuti nga at hindi ko muna isinasabay ang apo na hingin sayo! Aba matanda na ako at gusto ko man lang makita ang apo ko bago ako mamatay." sentimyento ng kanyang ama. And there they go again..  MABILIS dumaan ang isang linggo na halos hindi niya namalayan. It's time to face the reality of his path. A serious and responsible one. Malayo sa nakasanayan nyang buhay. Ang magliwaliw, magtravel and to be expose to nature, take pictures of anything, where he is very good at. "Good luck son." His father said and fix his coat. Tumango lang siya at sumunod rito. Panay ang bati sa kanila ng ilang mga empleyado na kilala ang ama niya. Dumaan sila sa elevator kung saan exclusive sa CEO. Maaga pa noon dahil hindi pa open ng mall nila. Nakaabang na kaagad ang mga empleyado sa activity area ng mall at hinihintay ang announcement ng Daddy niya. Board of directors, managers, and some admin staffs hindi lang ng main branch ng C-Malls kundi ilang mga branch nila inside and outside NCR. "Good morning everyone.. I know you all have an idea why I called for this meeting with all of you.. It is because of my retirement as a CEO of C-Mall." pormal nitong sabi. "And I appoint my son Renz Jio Castroverde as the new CEO and owner of this company. Please respect him as you respect me." His father said and everyone applause. Everyone greeted him. Kinamayan siya ng mga ito before his first speech sa isang malaking grupo. Sanay kasi siyang backstage lang at hindi ang humarap sa maraming tao. "Ahm.. Hi guys." Tumikhim sya at bahagyang napakamot ng batok. Pigil na ngiti at kilig naman ang nakikita nya sa ilang babaeng empleyado doon. "Honestly, I am not really into this stuff, running a company is not my thing. But I am willing to learn to handle you all. Don't set high expectations from me, because I'm not as good as my Dad.. But I am more handsome compared to him." He said and wink. Nagtawanan ang lahat maski ang Daddy niya. Napatili naman ang ilang kababaihan doon ng kumindat siya. It's his charm. "Kidding aside, let us support and help each other and make this company grow more. And I promise to do my best for this company and to each and everyone here. Thank you. " seryosong sambit niya at nagpalakpakan ang lahat at isa isa siyang winelcome sa kompanya. Matapos iyon ay ipinakilala na siya sa mga admin staff na makakasalamuha niya sa araw araw niyang pagpasok. "Son, this is Vina. She will be your secretary and will help you on how this mall operates. The transactions and all about this company." Pagpapakilala ng kanyang ama sa babaeng maputi at mataba ang pangangatawan, sa tingin niya ay nasa early 40s na ito.  "Hello, Sir! It's a pleasure to work with you." Bati ni Vina sakanya. "Thank you." He said at nagsimulang i-orient siya sa kalakaran sa opisina. Lahat ng tao sa management building ay ipinakilala sa kanya ngunit wala siyang matandaan ni isa man sa mga ito. "Sir ang pogi ninyo po! Pwede po ba pa selfie? " Sabi ng isang babaeng empleyado sakanya. "Sure.. Let's take a groufie instead." Pa-cool niyang sabi at lahat naman ay nagkumpol kumpol papunta sakanya. "Aray." Narinig niyang sabi ng isang babae mula sa likod niya. Natapos ang groufie at naghiwalay hiwalay na sila at nakita nila ang isang babaeng nakasalamin na nakasalampak sa sahig. "Hannah are you okay?" Inalalayan ni Vina yoong babae na tinawag na Hannah nito. "Yes Ma'am. Nabunggo lang po nila ako." Mahinhing sabi nito at inayos ang salamin maski ang longsleeves at slacks na suot nito. Tumango ito at iniwanan na ang babae at kinausap siya. Panay ang salita ng sekretarya niya ngunit nakatingin lang siya sa babae. Unlike to all employee here ay naiiba ito. She wears long sleeves and slacks while others are skirts. Banat na banat ang pagkakatali ng itim na itim at makinang nitong buhok. May suot itong itim na salamin. She has a white and pale skin and slim body. She's a total nerd, he can tell based on her looks.  Napailing nalang siya at inialis ang tingin sa babae at nagfocus sa dapat na tinatrabaho niya. ALMOST a month ang kanyang naging training at halos nakukuha na niya ang trabaho. Read. Sign. Read. Sign. That's all! Ngunit halos isuka na niya iyon! Paulit ulit at ngawit na ngawit na ang kamay niya sa napakaraming pipirmahan araw araw. Isabay pa ang mga meetings sa bawat branches. Sa loob ng isang buwan ay walang palya ang paulit ulit na nakikita niya. Hindi lang sa trabaho kundi maging sa isang empleyadong hindi yata nagsasawang masaktan. Muli ay nahagip niya ng tingin ang pamilyar na babae. Nabungo nanaman ito at napaupo na agad naman tinulungan ng iba. Parating ganoon nabubunggo lang ay tumataob na agad ito. O hindi kaya'y tatama ito sa kung saan. Dahil siguro mapayat ito? Natawa siya sa naisip at tinuloy nalang ulit ang paglalakad at iniiwas ang tingin sa babae. "Vina.. What's my schedule today? " he asked at sinabi naman nito ang mga gagawin niya. "Call the HR manager. I want to talk to her." Agad naman sumunod si Vina sakanya. Ilang sandali lang ay may kumatok na sa opisina niya. "Come in.." "Good day Sir. Pinatawag nyo daw po ako?" Napaangat sya ng tingin rito. "Have a seat.. By the way, What's your name again?" He professionally said at napatuwid ng upo. "Luisa po sir. Mrs. Luisa Santos Sir." Magalang na sabi nito. "Mrs. Santos your department is very important. Dahil kayo yung nag aappoint ng mga newly hired, and I saw your proposal sa darating na R&R ng company and I like the idea. Make it more interacting to everyone to enhance their skills that they can use in their respective workplace in general." He explains. Because one thing he sees to the company where he once work was continues training and at the same time relaxation to employees for them to be more productive in workplace. More of building a team together and motivating each other. In short, creating a pleasant environment in their work place.  So he wants to try and adopt the idea. Because people are the best assets of the company. Unti unti na niyang nakikita iyon. The devotion and commitment of their employees to do their work. May mga pamilyang sinusuportahan, mga anak or kapatid na pinag aaral.. Na siyang motivation lang ng iba to go to work and do the work. May nagagawa ngunit ay iba ay hindi ganoon ka productive. That's why he wants to try. At para na rin mapalapit sa mga empleyado gaya ng kaniyang ama. Nakakapagod ang ganitong trabaho. But when you see the dedication and commitment ng mga empleyado ay mahihiya kang hindi magtrabaho. Matapos ang meeting nya with the HR Manager ay deretso sya mga sumunod na meetings niya. EVERY sunday is his day-off. Kaya duon niya ginagawa ang kanyang nakahiligan. Pumapasok siya as freelance photographer sa pinsan niyang may ari ng isang advertising company. "Yow insan! Early bird ahh." Tukso ng pinsang si Glenn sakanya. "Ano bang photoshoot ito?" "Perfume.  My team will brief you before the shoot.  Tiwala naman ako sa mga shots mo." Bilin pa nito. Tumango lang siya at inayos ang camera.  Maya maya ay nag set na ang lahat. Nakausap na rin niya ang direktor sa mga dapat nyang gawin. Inayos ng mabuti ang mga lights maski ang background nito. May mga nagkalat na bulaklak at mayroong duyan. Umupo siya sa pwesto niya habang bini-briefing muli ang modelo. He focus the camera to the girl model to see her registry in his camera. But he suddenly focused on her face. She looks familiar. Inalis niya ang tingin sa camera at tinitigan itong mabuti. Nag iwas ito ng tingin ng makita siyang nakatingin dito na tila ba nagulat nang makita siya kaya bahagyang tumabing ang kulot nitong buhok sa mukha nito. Tanging matangos na itong nito at manipis na mga labi ang nakita niya. "Okay. Action!" Sabi ng derektor at nagsimulang mag rolling. Lumakad nang mahinhin ang babae papunta sa swing at hinawakan ang gilid niyon. May mga paru-parong naglabasan at duon ngumiti ang modelo. "Great. Now face the camera while smiling." Utos ng derektor dito na agad nitong sinunod. And now he's looking at the camera and smiling. He unconsciously smiled as if that smile was for him. Sinimulan niyang kuhanan ito ng larawan and his camera love her smile especially her expressive eyes. Napakaganda ng rehistro nito sa camera. Nagpatuloy ang command ng derektor at natapos agad ng isang take lang! Impressive. Then nagretouch ulit para sa official photo ng brand. Habang naghihintay ay binalikan niya ang mga larawan ng modelo. Maganda ito. Her brown eyes are so beautiful. It shows emotions na kahit sa mata lamang ay parang sinasabi nito sayo ang nararamdaman nito. Hanggang sa muling nag signal ang floor manager sa kanya na magre-resume na ang photoshoot. Inayos niyang muli ang camera. Lumabas muli ang modelo na naka kulay itim na halter dress with high slits that shows her long, slim and white porcelain legs. Common na sa kanya ang makakita ng mga magagandang modelo. Ngunit ngayon lang siya humanga sa kakaibang appeal nito. "Okay Ms. Anna, just simply follow the director's instructions. " sabi niya sa babae at tumango lang ito at nag iwas ng tingin sakanya. Nagsimula ang photoshoot at panay ang iwas nito ng tingin sa camera at halata ang pagkailang bigla  nito. "Wait.. Miss look at the camera and feel comfortable." He said, ngunit ganoon pa rin. Kaya naman nilapitan na niya ito. "Miss relax.. Make yourself comfortable with the camera. " he said while looking closely at her. Mas maganda pala ito sa malapitan. Pinilit niyang hulihin ang mga tingin nito at mas lalong napahanga sa taglay nitong ganda. "Ehemm. Okay start na! Anna focus!" Sigaw ng direktor, kaya naman muling naputol ang tinginan nila. Bumalik siya sa pwesto at sinimulang kuhanan ito ng larawan. It's the same expression in her eyes ng magkatinginan sila kanina. Then the photoshoot ends perfectly. Perfect lahat ng shots at halos hindi makapili ang advertising team kung ano ang ipang cocover nila. Nang matapos ay hinanap ng mga mata niya ang babaeng modelo, ngunit hindi na nya ito na kita. NILAPITAN siya ni Glenn at pinasalamatan. Humanga daw ang kliyente nila sa mga raw samples pa lang.  "The model is perfect, that's why hindi ako nahirapan sa mga perfect angle niya." Komento niya. "Yeah right. Freelance model namin iyon si Anna and she's our special talent here. " sagot nito sakanya. "By the way where is she? She can pass to become a model in Paris or in Victoria Secret." he commented. At bukod doon ay gusto pa sana niya ito na makilala. "Ahh wala na. Nakaalis na kanina pa. Ayaw niya talaga sa maraming tao, gipit lang siya ngayon kaya pumayag siya sa project na ito." Pagpapaliwanag naman ni AC na manager nito. Nagpaalam na ang pinsan niyang si Glenn dahil may aasikasuhin pa daw ito. Dumaan lang talaga ito sa site nila to check the process. Naiwan na lamang siya kasama si AC. Nakuha na nito ang interes. At mas lalo lang siyang na-curious kung sino ba talaga ito dahil sa isinagot ng manager nito sakanya.  "She wants to be private. Kahit pa halos nagkalat na ang larawan niya sa mga magazine or commercial she still want some privacy and special model namin siya dahil siya talaga ang gusto rin ng mga kliyente namin." According to them, Anna has a special contract where she has the right to choose whatever projects is offered to her. At kabilin bilinan niya na walang makakaalam ng pagkatao nito. Paliwanag nito.  "Is that possible? Hindi ba dapat ang modelo ang mag a-adjust sa company policy?" He asked.  "Yes sir. Ms. Anna is special, kaya nasa kanya ang favor ng company and ang daming naging client namin dahil exclusive model siya ng company na ito." "That girl is special huh? Well she is... " "Sir why did you asked? Do you like her?" Deretsong tanong nito sa kanya. "Of course not. I'm just curious." sabi niya at nagsimulang mag pack up na. That night ay hindi pa rin niya maiwasan ang titigan ang larawan ng babaeng modelo kanina. "What is it special about you Anna.." He whispered habang nakatingin sa larawan nito. ==== Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD