HABANG tumatagal ay nagagamay na ni Renz ang trabaho sa malls nila. He enjoyed it sometimes especially because of a good feedback ng mga taong nakapaligid sakanya. He felt that he is so important.
Every sunday ay nakiki-extra sya sa photoshoot pa rin ng pinsan niya, because taking pictures is still a stress reliever to him.
But almost 2 months have passed, ngunit hindi pa rin muli nagpapakita si Anna doon. Ayaw pa daw nitong tumanggap ng trabaho. a part of him wants to see her again. Hindi niya maintindihan ang sarili niya bigla. He lost his urge to date some women the moment he saw her more than a month ago.
Kinabukasan ay ganon pa rin ang trabaho niya. This time ay sa admin's elevator siya sumakay para makapag obserba na rin sa mga dapat at kailangan pa nilang i-improved.
Panay ang bati sa kanya ng mga empleyado doon at matamis niya nginitian ang mga ito. Bumukas ang elevator ng nasa 2nd floor na. Nagsilabasan ang karamihan at naiwan na lamang siya.
May papasok naman na babae na may hawak na isang kahon na puno ng nakarolyong mga papel. At tila hindi siya napansin ng babae dahil halos hindi din ito makakita.
Hindi sinasadyang natalisod ito habang papasok kaya natapon ang kahong hawak nito. Saktong sara naman ng elevator. Mabuti nalang at hindi ito naipit doon ngunit tumapon sakanya lahat ang dala nitong mga papel.
"Ouch!" Daing nito.
"Are you okay Miss?" Tanong niya at tinulungan itong umayos ng tayo bago pulutin ang mga dala nito.
"Opo. Okay lang po ako." Sabi nito ng hindi man lang siya tinignan.
"Here. Be careful next time." Abot niya sa mga papel dito. Dahil mas mataas siya ay nag angat ito ng tingin bigla at tumama ang ulo nito sa baba niya at hindi sinasadyang nakagat niya ang dila sa lakas niyon.
"Aray!" Daing na naman ng babae.
"S**t!" Mura niya at hinilot ang masakit na baba niya habang tumatayo palayo sa babae.
Hawak hawak ang ulo nito na tumingin sa kaniya at gayon na lang ang gulat nito ng makita siya.
"S-sir.. " gulat na sambit nito. Napailing siya ng makitang si Miss clumsy ito.
"Kaya pala. Tsk." Napailing na lang siya at tinulungan itong tumayo. Binitbit na din niya ang hawak nito kahon.
"S-sir sorry po.." Nakayukong sabi nito.
"It's okay. Just be careful next time." Bumukas ang elevator at akmang kukuhanin nito ang hawak niyang box dahil lalabas na ito ng tumanggi siya.
"Just lead the way. Ako ng magdadala nito." Utos niya rito. na ikinagulat ng babae.
"A-ako na po sir. P-pasensya na po talaga." nahihiyang sabi nito.
"I said lead the way Miss Santos." He said with authority. Kaya nag a-alangan man ay sumunod na rin ito.
Nagtataka man ay binati siya ng mga naka-kasalubong niyang management staff doon. Lalo pa at may hawak siyang malaking kahon.
"S-sir okay na po dito. S-salamat po. Sorry po talaga kanina." Nahihiyang sabi nito nang marating nila ang table nito.
"Sir! Ano pong ginagawa ninyo dito? May kailangan po kayo?" Tanong ng HR manager doon na puno ng pagtataka sa biglaang pagpunta niya doon.
"Hinatid ko lang itong dala ni si Miss Santos." He said at bumaling sa nakayukong babae.
"And you. Be careful next time. Ask for help sa mga maintenance natin kung may mga bubuhatin ka na mas mabigat pa sayo!" Hindi niya mapigilang sermon dito.
"Opo sir.. I-i'm so s-sorry po sir." Nakayukong sabi nito na parang takot na takot sa kanya.
"It's okay Miss Santos. Just be careful please. Nang hindi ka na rin nakaka abala sa iba." He calmly said.
"O-opo Sir. P-pasensya na po." She faced him at muling yumuko.
He tapped her arms and patted her head. "Put an ice on your head nang hindi iyan mag bukol." Bilin niya at umalis na doon.
Nagtataka man ang lahat ay wala ni isa man ang nag komento o nag tanong sa kanya. Because even him don't know why he did that to her. Siguro ay naawa lang siya kay Miss Santos dahil sa pag kalampa nito.
NANG pauwi na siya ay nakasabay na naman niya ang maraming empleyadong pauwi na rin. Isa na roon si Miss Santos na biglang napayuko ng makita siya.
"Good evening Sir." Bati ng mga empleyado sa kanya. At tinanguan naman niya ang mga ito.
Nagderetso siya sa parking at deretso sana siya sa mga kaibigan niya ng mahagip ng tingin niya ang nanghihina sa paglalakad na si Miss Santos hindi gaanong kalayuan sa kompanya nila. Agad siyang huminto sa tapat nito. Oobserbahan lang sana niya muna ang babae nang bigla itong mapaupo sa gilid ng kalsada.
"Miss Santos, are you okay?" Napatingin ito sa kanya na tila hindi inaasahang makikita siya nito. Namumula ang ilong nito at mamasa masa ang pisngi. Mukha itong umiiyak.
"A-ayos lang po ako S-sir." Nanginginig nitong sabi at pinilit tumayo kahit halatang pinipigilan lang nito ang umiyak.
Tinulungan na niya ito at inalalayan upang makatayo. "What happened? Bakit ka umiiyak?" He asked at inabutan ito ng panyo.
"O-okay lang po ako S-sir. U-umalis na po kayo." Mahinang sabi nito habang pinupunasan ang luha nito. Panay din ang kagat nito sa labi upang pigilin ang mga hikbi nito.
"You're not okay. It's obvious, you are shaking! What exactly happened Miss Santos?" Kalmadong tanong niya at hinawakan ang malamig at nanginginig nitong kamay.
"M-may nang h-hold up po s-sakin. A-akala ko m-mamamatay na a-ako." Nanginginig na sabi nito at hindi na napigilan ang pag iyak nito sa takot. Kinabig niya ito para yakapin dahil sa panginginig nito.
"Shhh.. You're safe now Hannah.. " bulong niya rito habang yakap yakap ang umiiyak na dalaga.
She's perfectly fits in his arms like she's made for him. Hinagod niya ang likuran nito upang patahanin ito.
She's so fragile and weak. There is something inside of him wants to take care of her.
SINAMAHAN niya itong magreport sa pinaka malapit na pulis ng kumalma na ito at saka hinatid niya ang dalaga sa bahay nito.
Panay na naman ang hingi ng pasensya ng dalaga dahil daw sa pang aabala nito sakanya.
"It's okay Miss Santos. Mag iingat ka nalang sa susunod. I'll see you tomorrow." Nakangiting sabi niya upang mapanatag itong hindi siya naging abala sa kanya.
Tipid itong ngumiti sa kanya kahit pa napilitan lang iyon. That moment his heart skipped a bit. What a familiar smile.
Hanggang sa pagtulog niya ay nasa panaginip niya ang dalaga at iyon ang bagay na hindi niya maintindihan.
What's with Hannah Carisse Santos? Bakit lagi niyang naiisip ito? Not to mention her looks and style. Hindi ito ang mga tipo ng babae na gugustuhin niyang iharap sa mga tao.
Ngunit bakit siya? He is not familiar with this kind of feeling but he's aware where it is going.
======
©Miss Elie