"SABI NI Dra. Hindi pa daw kami pwedeng bumalik sa New york. It's not advisable for Hannah to travel, lalo at first trimester pa lang ng pagbubuntis nito." sabi ni Renz sa kabilang linya. Kausap nito ang Daddy nito para ipaalam na mukhang matatagalan ang pagstay nila dito sa Pilipinas or baka hanggang sa makapanganak na ang asawa niya. Nakalabas na ng ospital ang ama at kasalakuyang nagpapalakas na lamang sa resthouse nila Delikado daw kasi kapag nag byahe sila lalo at hindi ganoon ka makapit ang baby. And hindi nila kayang i-risk ang anak nila. "If that's the case bumalik ka na lang ulit sa company. Wala naman nang banta sa mga Del Valle, they are silent for this past years." Sabi ng Daddy niya. Tinignan niya ang asawa na nakatingin sa kanya. Bahagya niyang nginitian ito at lumayo u